--Ads--

CAUAYAN CITY – Nauwi sa pagkamatay ng isang drug surrenderer ang drug buy-bust operation ng mga pulis sa Sinabbaran, Echague, Isabela.

Nagsagawa ng operasyon ang pinagsanib na puwersa ng Echague Police Station Regional Drug Enforcement Unit at PDEA Region 2.

Nakatunog umano ang napatay na si Julie Lazo, 36 anyos, residente ng Cordon, Isabela na pulis ang kanyang katransaksiyon kaya bumunot ng baril na nasa kanyang sling bag at nagpaputok ngunit kaagad nakadapa ang pulis na nagpanggap na poseur/buyer na si PO3 Elizalde Raymundo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Police Chief Inspector Andy Orilla kanyang sinabi na bukas ang Echague Police Station sa anumang magiging reaksyon ng pamilya ng suspek sa naturang pangyayari.

--Ads--

Anya lehitimo ang kanilang operasyon at ginawa lamang umano nila ang nararapat upang hindi na matulad sa ibang operasyon na pulis ang namamatay.