--Ads--
CAUAYAN CITY – Binawian ng buhay ang biktima ng pamamaril na isang drug surrenderer sa Calao, East,Santiago City.
Ang binawian ng buhay ay si Juan Carlo Manuel, 33 anyos, tsuper ng tricycle at residente ng nasabing lugar.
Si Manuel ay pinagbabaril ng tatlo beses, dalawa sa kanyang likod at isa sa kanyang tagiliran ng hindi pa nakikilalang suspek.
Ang biktima ay nauna nang sumuko sa oplan tokhang ng PNP nooong Agosto 2016 dahil sa pagtutulak ng illegal na droga sa Santiago City.
--Ads--
Dinala sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival sa pagamutan.
Nakuha ng Scene of the Crime Operatives ( SOCO) sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong basyo ng bala ng Cal. 45.
Patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng pulisya sa pagbaril patay sa biktima.




