--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang pagsisiyasat ng San Mateo Police Station sa pagbaril at pagpatay kagabi sa isang drug surrenderer sa kanyang bahay sa Old Centro Proper.

Patay na nang matagpuan ng mga tumugon na pulis ang biktimang si Enrile Cadiz, 39 anyos, dating magsasaka at nagtatrabahong pintor sa Cauayan City.

Siya ay drug surrerderer sa kategoryang user at pusher at hindi sumailalim sa community based rehabilitation program ( CBRP ).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni P/Chief Inspector Richard Gatan, hepe ng San Mateo Police Station na binaril si Cadiz habang nag-iisa sa kanilang bahay.

--Ads--

Nagtamo siya ng pitong tama bala sa kanyang katawan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Sinabi pa ni Chief Insp. Gatan na kinasuhan noong 2016 si Cadiz ng paglabag sa RA 9165 (comprehensive dangerous drugs act of 2002) ngunit nakalabas sa piitan matapos makapagpiyansa.

Sinabi ng kanyang kapatid na umalis ng ilang buwan sa kanilang lugar si Cadiz dahil marami ang naghahanap sa kanya.