--Ads--

CAUAYAN CITY – Napatay ng mga pulis ang isang drug suspect na nanlaban umano sa isinagawang drug buy-bust operation ng sa Nagrumbuan, Cauayan City.

Ang drug buy-bust operation ay isinagawa kagabi ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ang napatay na drug suspect ay si Gilbert Guillermo, nasa tamang edad at residente ng barangay Arellano, Quezon, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/ Inspector Zosimo Sambrano, chief ng Investigation section ng Cauayan City Police Station, sinabi niya na nakatakas sakay ng motorsiklo ang kasama ni Guillermo.

--Ads--

Agad aniyang nakaganti ang police na nagsilbing posuer/buyer nang makatunog ang suspek at nagpaputok ng baril.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril si Guillermo at naisugod pa sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Nakuha sa pag-iingat ng napatay na drug suspect ang isang Caliber 45 na baril, isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang Marijuana at 1,000 marked money.

Patuloy ang paghahanap ng mga pulis sa nakatakas na kasama ni Guillermo.