--Ads--

CAUAYAN CITY- Tinangay ng mga magnanakaw ang naipong pera ng isang Tindera sa palengke sa San Mateo, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Grace Quizon, sinabi niya na nasa loob ng kaniyang bag ang 27,000 na naipon nilang pera ng kaniyang asawa na gagamitin sana ng kaniyang anak sa nalalapit nitong oath taking sa Maynila.

Habang kumakain sa kanilang pwesto ay isinabit umano nito ang kaniyang bag sa kung saan sila nagtitinda.

Hinala naman niya na kinuha ito tatlong matatanda na nagpanggap na mga customer dahil tila nilito umano sila dahil tatlo silang nagtatanong sa biktima at pagkatapos ay napansin na nila na wala na ang kaniyang bag na nakasabit sa isang tabi.

--Ads--

Iniwan naman ito ng mga kawatan sa isang tabi ang kaniyang bag subalit wala na itong laman.

May mga cctv naman sa loob ng palengke ngunit hindi sila nahagip ng camera.

Dahil sa insidente ay muling nagpaalala ang Market Officer sa mga vendor na maging vigilante at bantayan ng mabuti ang kanilang mga gamit lalo na at nagkalat nanaman ang kawatan sa loob ng Pamilihan.

Paalala ni Market Officer Niel Villarta sa mga mamimili na huwag magdala ng sobrang pera hanggat maari kung ano lamang ang halaga ng mga ipamimili ay un lamang ang dalin.

Iwasang magsuot ng alahas at huwag sumabay sa siksikan ng mga tao para hindi masalisihan.