--Ads--

Itinaas na sa Blue Alert ang status ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang paghahanda sa Bagyong Ada.

Ito ay kasunod ng anunsiyo ng PAGASA na ang Tropical Depression Ada ang unang bagyo na pumasok sa bansa ngayong 2026.

Ayon sa DSWD, ang hakbang ay alinsunod sa direktiba ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) upang matiyak ang maagap at maayos na pagtugon sa posibleng epekto ng masamang panahon.

Batay sa paunang abiso ng PAGASA, posibleng mag-landfall o lumapit ang bagyo sa Eastern Visayas o Bicol Region sa Biyernes ng gabi.

--Ads--