--Ads--

Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development o DSWD sa mga kandidato na magsasamantala sa pamamahagi ng ayuda para sa kanilang pangangampanya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Lucia Alan ng DSWD Region 2 sinabi niya na tuluy-tuloy ang mga programa ng ahensya dahil mayroon nang ibinigay na exemption para sa kanilang implementasyon.

Aniya non-partisan ang ahensya kaya mahigpit na ipinagbabawal ang mga speech, interviews sa mga kandidato maging ang mga paglalagay ng mga mukha ng kandidato sa pinagdarausan ng mga programa ng DSWD.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagsosolicit ng boto o suporta sa mga kabilang sa programa.

--Ads--

Mahigpit na ipagbabawal ng DSWD ang pagdalo ng mga kandidato para lamang sa kanilang pangangampanya lalo na sa mga pamamahagi ng ayuda ng ahensya.

Ayon kay Regional Director Alan, ang mga programa ng DSWD ay hindi hawak ng mga pulitiko kaya walang karapatan ang mga kandidato na gamitin ito sa kanilang political advancement.

Tuluy-tuloy aniya ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), social pension at iba pang programa ng DSWD.

Pinaghahandaan din ng ahensya ang mga maaring kalamidad na sasalanta sa rehiyon sa pamamagitan ng kanilang disaster response assistance tulad ng pagpreposition sa mga relief goods sa bawat LGU sa rehiyon.