--Ads--

Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko laban sa mga pekeng online application para sa fuel assistance mula sa ahensya.

Ayon sa DSWD, kumakalat ang text message na nagsasabing may online application o link para sa cash aid para sa mga driver ng pampublikong sasakyan, ngunit ito ay hindi totoo. May mga indibidwal umano na nananamantala upang makuha ang personal na impormasyon ng mga tao.

Nilinaw ng DSWD na ang cash relief assistance ay personal na ipinamamahagi sa mga driver batay sa listahan mula sa local government units, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at mga transport network companies.

Pinayuhan ang publiko na huwag i-click ang mga link at huwag ibahagi ang kanilang personal na impormasyon upang hindi mabiktima ng scam.

--Ads--