--Ads--

Inilagay na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa blue alert status ang buong ahensya bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong Basyang.

Ayon sa DSWD, inatasan na ang mga field office na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang kahandaan sa pagtugon sa sakuna.

Mahigit 3.5 milyong family food pack na umano naka-preposition sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kabilang sa Caraga, Central Visayas, Eastern Visayas, Luzon, at Visayas disaster response centers.

Inihayag rin nito na may mahigit P3.04 bilyong Quick Response Funds ang DSWD Central Office para sa relief at early recovery operations, habang naka-standby ang mga Mobile Command Centers at Mobile Kitchens.

--Ads--

Hinikayat naman ng ahensya ang publiko na manatiling alerto, makinig sa abiso ng mga local government unit (LGU), at sumunod sa posibleng pre-emptive evacuation.