CAUAYAN CITY- Inilahad ng DSWD Region 2 ang mga isinasagawa nitong hakbang tuwing magkakaroon ng kalamidad sa Rehiyon sa isinagawang Usapang pangkapayapaan at Usapang pangkaunlaran ngayong araw sa Tactical Operations Group 2.
Ayon kay Regional Director Lucia Alan ng DSWD Region 2, hindi nagpapabaya ang opisina sa tuwing mayroong mga kalamidad, sa halip ay maagap ang kanilang ginagawang paghahanda upang matugunan ang pangangailangan lalo.na sa usapin ng mga naka preposisyon na food and non-food items.
Dagdag pa nito, ang TOG 2 ang karaniwang nakakasama ng opisina lalo na sa relief mission sa Batanes.
Nito lamang nakaraan ay mahigit talong daan na mga food and non-food items ang naipadala sa Batanes sa pmamagitan ng air asset ng TOG 2.
Bukod pa rito, inihayag din ng opisina ang ibat ibang programa gaya na lamang ng 4Ps, scholarship program, livelihood program at iba pa.
Ayon kay RD, tuloy tuloy na isinasagawa ng mga programang ito upang matulungan ang mga kababayan natin na maiangat ang kanilang pamumuhay.
Binigyang diin din ni Director Alan ang tulong na ibinibigay ng ahenisya sa mga magsasaka na nahihirapang ipagpstuloy ang pagsasaka ay mapagkalooban ng tulong bilang bahagi ng direktiba nila na bawat pamilya ay may maihahain sa hapagkainan
Samantala, nilinaw din ni Regional Director Allan ang ginagawang aksiyon ng opisina sa mga food items na hindi naipapamahagi at malapit nang mag expire.
Ayon sa opisina, bagaman hindi ito madalas mangyari dahil nasa 3 years ang expiration ng kanilang binibiling pagkain for rpepositioning.
Nilinaw niya na mayroon food for work na programa ang bawat LGU na masring paggamitan ng mga food items na malapit ng mag expire.
Responsibilidad na ito ng mga LGU dahil mayroong silnag memorandum of agreemrnts na sila ang may responsibilidad na imonitor ang mga food and non-food items mula sa central office.










