--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagbabala ang DSWD Region 2 na babawiin ang pera na naibigay sa mga hindi kuwalipikado sa Social Amelioration Program (SAP).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay G. Marciano Dameg, acting chief ng Protective and Services Division ng DSWD Region 2, sinabi niya na nagsasagawa sila ng validation pagkatapos ng labinlimang araw mula sa huling payout ng mga Local Government Units (LGUs).

Aniya, kung mayroong hindi dapat na nabigyan ay ipapaalam nila ito sa kanilang Mayor para maibalik ang pera at ibigay sa mas nangangailangan.

Pinayuhan niya ang mga opisyal ng barangay na ayusin ang kanilang trabaho at dapat ang sundin lamang ay kung ano ang nasa guidelines ng DSWD.

--Ads--

Pinayuhan din niya ang mga miyembro ng 4Ps na kung may nakuha pa silang ayuda sa SAP ay kailangan nila itong ibalik.

Ayon kay Dameg, kapag natapos na ang kanilang liquidation ay saka pa lamang ibibigay ang pondo para sa pangalawang tranche na pamamahagi ng ayuda mula sa SAP.

Tinig ni G. Marciano Dameg.