CAUAYAN CITY- Nasa 81 na indibidwal ng lungsod ng Cauayan ang tumanggap ng tulong mula sa Walang gutom Program ng DSWD Region 2.
Layunin ng programa na matulungan ang mga mahihirap na pamilya sa pamamagitan ng ayuda mula sa gobyerno.
Sa ilalim nito, mabibigyan ang bawat benepisaryo ng isang card na naglalaman ng 3,000 pesos na halaga ng pagkain.
Ito ang ipapalit ng pagkain sa mga designated store na napili ng ahensiya sa bawat bayan.
Dapat din na ang kukuning pagkain ng indibidwal na may hawak ng card ay kinapapalooban ng Go, Grow, at Glow foods.
Ayon kay Walang Gutom Program Information Officer Monette Bautista ng DSWD Region 2, ang mga benipisaryo sa lungsod ay napili mula sa data base ng ahensiya na ipinasa sa kanilang tanggapan.
Aniya, isinailalim din sa nutritiom seminar ang bawat recepient ng programa upang matuto kung paano maghanda ng masustansiyang pagkain.
Binigyang diin nito na hindi cash ang makukuha ng mga kabiang sa programa upang matiyak na sa pagkain mapupunta ang tulong na ipinagkaloob sa kanila.










