CAUAYAN CITY – Nagbigay ng financial assistance ang Department of Social Welfare and Development o DSWD region 2 sa mga evacuees sa Santa Maria at Alicia, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Regional Director Lucia Alan ng DSWD Region 2 na nag-iikot sila sa mga lalawigan sa ikalawang rehiyon at nanggaling na sila sa mga evecuation center sa Santa Maria at Alicia, Isabela.
Umabot sa dalawampu’t tatlong pamilya sa Santa Maria ang nagbigyan ng tig-dalawang libong pisong financial assistance at limampu’t pitong pamilya sa Alicia, Isabela ang nabigyan ng tig-tatlong libong piso.
Patuloy din ang kanilang pagbibigay ng mga food packs, sleeping kits at hygiene kits.
Naglilibot sila upang malaman ang iba pang pangangailangan ng mga evacuees at inaalam kung may nangangailangan ng Psychosocial support.
Sa ngayon ay mayroon pang mga evacuees ang nanatili sa mga evacuation center sa lambak ng Cagayan na binibigyan ng tulong ng DSWD Region 2.