--Ads--

CAUAYAN CITY – Sinimulan na ng DSWD Region 2 ang pamamahagi ng social pension ng mga senior citizen.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay G. Marciano Dameg, acting chief ng Protective and Services Division ng DSWD Region 2, sinabi niya na kung tapos na ang isang local government unit (LGU) sa pamamahagi ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP) ay ibibigay na rin nila ang kanilang pondo sa unang bahagi ng taon para sa kanilang Social Pension Program.

Aniya, ang nakatapos na sa rehiyon ay ang Alicia, Isabela dahil sila rin ang unang nakatapos sa pamamahagi ng Social Amelioration Assistance.

Naging mabilis ang pamamahagi ng nasabing bayan ng social pension ng mga senior citizen dahil bawat barangay ang ginawa nilang pamamahagi.

--Ads--

Tulad ng dati ay P3,000 ang matatanggap ng bawat senior citizen para sa unang anim na buwan ng taon.

Ayon pa kay Dameg, bukod sa Alicia ay naibigay na rin nila ang pondo ng programa sa lalawigan ng Batanes.

Tinig ni G. Marciano Dameg.