CAUAYAN CITY – Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) region 2 sa mga pamahalaang lokal na labis na naapektuhan ng super bagyong Egay.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Regional Director Lucia Alan na mayroon silang stockpile ng mga family food packs na 43,814 at non-food items na 30.54 million pesos ang halaga.
Magtutulungan ang mga kawani ng DSWD, AFP, PNP, BFP at mga volunteers sa pag-empake ng mga food packs
Mayroon silang mga bodega sa Lunsod ng Ilagan, Tuguegarao, Lallo, Lallo at Abulug, Cagayan.
Naka-focus sila sa district 1 at 2 ng cagayan na matinding naapektuhan ng bagyong Egay.
May naka-presosition na goods sa mga LGU na 500 na food items na unang gagamitin para sa mga evacuees maliban sa food items mula sa LGU.
May mga naka-presposition na relief goods sa Batanes, Cagayan, Divilacan, Maconacon at Dinapigue sa Isabela na may kabuuang 35,055 at may halagang 23, 531,000.
Ayon kay Regional Director Alan, may marching order si Kalihim Rex Gatchalian ng DSWD na bigyan agad ang mga apektadong pamilya na nasa evacuation center at labas ng mga evacuation center o mga evacuees na tumuloy sa kanilang mga kamag-anak.
Plano ni Kalihim Gatchalian na bumisita bukas sa Cagayan para makita ang sitwasyon at makausap ang mga lokal na opisyal kaugnay ng pagtama ng bagyong Egay.