Magpapatupad na ng Price Freeze ang Department of Trande and Industry o DTI Isabela sa apat na Bayan at Siyudad sa Lalawigan ng Isabela dahil sa epekto ng sunod sunod na bagyo.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Glenbert Ramos ang Technical Assistant ng DTI Isabela consumer Protection Division, sinabi niya na apat na bayan na ang natukoy at naisailalim na sa State of Calamity kabilang ang Bayan ng Roxas, City of Ilagan, Bayan ng Cabagan at Lunsod ng Santiago.
Dahil nasa ilalim na ng State of Calamity ay magpapatupad na sila ng Price Freeze sa ilang mga pangunahing produkto.
Batay sa monitoring ay committed naman ang mga bahay kalakal sa mga nabangit na lugar para tumalima sa ipinatupad nilang price freeze.
Sa araw araw na monitoring ay hindi naman nila nakitaan ng paggalaw sa presyo ang ilang produkto partikular ang mga Basic Commodeties gaya ng tubig, kandila, tinapay, sardinas, instant noodles, processed milk, powdered milk at powdered soap.
Sa nagayon ay hindi naman tiyak kung magkakaroon ng price freeze sa Agricultural products habang binabantayan narin nila ang presyo ng mga construction materials.
Natitiyak naman ng DTI na walang anumang kakulangan sa supply ng construction materials.
Babala ngayon ng Ahensya sa mga negosyo hindi tatalima sa kanilang ipinatupad na Price Freeze ay mapapatawan ng Notice of Violation.