--Ads--

CAUAYAN CITY– Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) Isabela ang patuloy na monitoring ng kanilang mga kawani sa mga grocery at supermarket.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Elmer Agorto, Elmer Agorto, Consumer Protection Division Chief ng DTI Isabela ang pagbabantay ng kanilang tanggapan sa mga groserya at supermarkets upang matiyak na hindi magsasamantala ang mga negosyante .

Ito ay upang matiyak na magkapareho ang presyo sa mga produkto at mga nakatala na presyo sa kanilang Computer Cashier na dapat din na bantayan ng mga customers .

Panawagan nito sa mga namimili na agad na makipag-ugnayan sa kanila kung mayroong reklamo para kaagad maaksyunan ang mga maaring iregularidad

--Ads--

Una nang tumaas ang presyo ng mga raw materials at packaging ng ilang produkto ay humiling ang mga manufacturer ng pagtaas sa presyo ng kanilang produkto.

Kabilang sa mga produktong tumaas ang presyo ay ang ilang brand ng canned sardines, process milk, instant noodles, asin, ilang produkto ng detergent soap, bottled water, kandila , process canned meat at beef, toilet soap, tinapay at baterya.

bahagi ng pahayag ni G. Elmer Agorto