CAUAYAN CITY – Tinalakay ng Department of Trade and Industry o DTI Isabela ang paglipana ng mga scammer sa online shopping websites sa internet lalo na ngayong papalapit na kapaskuhan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DTI Isabela Provincial Director Winston Singun, sinabi niya na bagamat nag-iingat siya ay nabibiktma pa rin siya ng online scam.
Aniya,halos lahat ng mga online shopping sites ay gumagamit ng advertisements sa internet tulad ng social media upang makapanghikayat ng mga mamimili.
Sa pamamagitan ng click o pagpindut sa advertisement ay didiretso ito sa mismong shopping website kung saan maaaring maki-pagtransaksyon ang bibili.
May ibat ibang uri ng Scam o panlilinlang na nagaganap sa pamamagitan ng online shopping tulad ng pagpapadala ng hindi magandang kalidad ng produkto,paniningil ng walang inihahatid o inibigay na producto at pagnanakaw ng impormasiyon ng mga mamimili sa mga online shop.
Pinapayuhan naman niya ang mga tumatangkilik ng mga online shopping na mas piliin ang cash on delivery para matiyak na may dadating na item at para magkaroon ng pagkakataon ang mamimili na magdesisyon kung kukunin o hindi ang nabiling item.
Hinihikayat rin ang mga nagbebenta online na magparehistro sa DTI sa lokal na pamahalaan para na rin sa seguridad ng mga mamimiling bumibili online.