
CAUAYAN CITY – Bilang bahagi ng Trabaho, Negosyo, kabuhayan sa pagdiriwang ng Labor Day ng Department of Labor and Employment o DOLE ay pinahintulutan ang Department of Trade and Industry na magsagawa ng mini-trade fair at diskuwento caravan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Ramil Garcia, Micro Small and Medium Enterprise Development Division Chief ng DTI Region 2 na sa isasagawang trade fair ay ibebenta ang mga produktong tinipon na gawa ng mga Micro Small Medium Enterprises.
Magkakaroon ng isang trade-fair set-up sa loob ng SM Tuguegarao City kung saan kanilang i-showcase at ibebenta ang iba’t ibang produktong ipinagmamalaki ng Micro Small Medium Enterprises.
Ang mga MSMEs ay mula sa Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino.
Aabot anya sa walong asosasyon ng mga nagnenegosyo at ilang indibidwal ang kalahok samini-trade fair.
Dekalidad ang mga produktong ibebenta sa mini-trade fair dahil dumaan ito sa masusing product development ng DTI.




