--Ads--

CAUAYAN CITY-Patuloy ang pagbabantay ng Department of Trade and Industry o DTI Region 2 sa presyo ng mga noche buena products.

Ayon kay Technical Assistant Glen Bert Ramos ng DTI Isabela Consumer Protection Division sinabi niya na maliban sa noche buena products ay sinusuri na rin nila ngayon ang mga pailaw o christmas lights na ibinebenta sa merkado.

Sa ngayon ay wala silng nakita, nahuli o nasamsam na mga uncertified products sa mga establishyimento na kanilang naikutan.

Sa katunayan ay 2022 pa ng huling makakumpiska sila ng mga unsertified christmas lights na may maninipis na wirings na lubhang delikado dahil sa maaari itong magdulot ng sunog kung maiiwang nakasaksak.

--Ads--

Ngayong taon ay hindi lamang pailaw ang kanilang sinusuri kundi maging mga solar powered lights, bagamat hindi naman mag oover heat ang mga ito ay kailangan paring matiyak na ang mga ito ay may ICC at PS mark.

Paalala din niya na kahit solar powered christmas lights ang ginagamit ay dapat paring tiyakin na mag ingat.

Tiniyak naman ng DTI na sinusunod nila ang Noche Buena priceguide 2024 at nanatiling stable ang presyo ng mga produkto sa merkado.

May ilang tindahan naman ang kanilang tinawagan ng pansin para ipaalam sa umiiral na price guide.