--Ads--

Umabot na sa 309 na botante ang nakumpirmang dual/double voter registrants sa lungsod ng Cauayan ayon sa Commission on Election (COMELEC).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Johanna Vallejo, City Election Officer, sinabi niya na hindi inaasahan ang madaming bilang ng dual registrants na naitala sa Lungsod.

Sa ngayon mahigit 92,000 na ang bilang ng mga botante sa Cauayan City at 309 mula rito ang binura ng system dahil sa Automated Fingerprint Identification System (AFIS).

Madali naman aniya na ma-detect ang pagkakakilanlan ng isang indibidwal sa pamamagitan ng biometrics ngunit binabalaan pa rin ang lahat na iwasang magrehistro sa ibang lugar kung dati nang nakarehistro sa isang lugar.

--Ads--

Aniya, mas mainam kung sumailalim nalang sa tamang proseso at magpa-transfer para hindi na magkaroon pa ng problema.

Maaari naman aniyang patawan ng penalty o kaparusahan ang mga dual registrants.