--Ads--

Muling inilulunsad ng Bombo Radyo Philippines ang Dugong Bombo 2025, A Little Pain A Life to Gain, ang pinakamalaking one-day bloodletting drive sa bansa.

Gaganapin ang makasaysayang bloodletting activity sa Nobyembre 15, 2025 araw ng Sabado sa 25 na pangunahing lugar sa bansa kung saan may operasyon ang 32 fully digitalized AM at FM station. 

Kinikilala bilang pinakamalaking single day bloodletting event sa Pilipinas ang Dugong Bombo katuwang ang Bombo Radyo Philippines Foundation Incorporated at Philippine Red Cross.

Ang Dugong Bombo, A Little Pain A Life to Gain, ay isang panawagan sa bawat Pilipino na maging bayani sa pamamagitan ng pagdo-donate ng dugo.

--Ads--

Sa matagumpay na drive noong nakaraang mga taon tumulong ang Bombo Radyo Philippines na mapunan ang pambansang suplay ng dugo sa pamamagitan ng pag kolekta ng mahigit 2.1 million na CC ng dugo na katumbas ng mahigit 2,000 na litro ng dugo o 550 Gallon, katumbas ang sampung drums ng dugo.

Upang makapag parehistro sa darating na Dugong Bombo 2025 ay maaari makipag ugnayan o bumisita sa pinakamalapit na bombo radyo at Star FM Station.

Makibahagi sa pagsagip ng buhay na hatid ng Dugong Bombo 2025, A Little Pain A Life to Gain.

Basta Radyo Bombo!