Nakapagtala ng world record ang daan-daang elementary at high school students nang mag-recycle sila ng dumi ng panda para gawin itong papel.
Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Record na ang 369 na mga estudyante sa Hong Kong ang bagong tagapaghawak ng titulong “Largest Animal Feces Paper Making Lesson”.
Ito ay matapos sabay-sabay silang gumawa ng papel mula sa dumi ng panda.
Naganap ang naturang record breaking attempt sa Ocean Park, isang theme park, zoo at oceanarium.
Ang isang adult panda ay kayang dumumi ng sampong kilo sa isang araw.
Dahil bamboo/buho lamang ang tanging kinakain ng mga panda, magandang gamitin ang dumi ng mga ito para makagawa ng papel dahil natutunaw sa sikmura nila ang fructose at nahihiwalay nila ang fibers nito.
Sa China, ilang taon ng gumagamit ng panda feces ang ilang kompanya para gawin itong toilet paper.
Ayon sa event organizer, ang pakay nila sa event na ito ay mapromote sa mga kabataan ang environmental awareness.