--Ads--

Sasalubungin ng Duterte Panagutin Europe Campaign Network ang pagdiriwang ng kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa March 28.

Ang alyansa ay binubuo ng mga progresibong grupo maging mga indibiduwal na nagkakaisa sa panawagang panagutin ang dating Pangulo dahil sa kaniyang madugong drug war.

Kasabay ding mag lulunsad ng Duterte Panagutin Europe Campaign Network ang sampuang National Network kabilang ang Austria, Belgium, France, Germany, Italy, Norway, Spain, Switzerland, United Kingdom at Netherlands.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lean Jimenes ang coordinator ng Bayan Europe sinabi niya na nanatili parin namang mapayapa ang mga kaganapan sa The Netherlands kahit na may kaliwa’t kanan na pagkilos ng mga Pro at Anti-Duterte.

--Ads--

Aniya hindi nagbabago ang kanilang posisyon sa panawagan ng hustisya para sa mga biktima ng drug war gayundin ang panawagan na muling bumalik ang Pilipinas sa Rome Statute.

Kung totoo aniya ang intensyon ng Marcos Administration ay dapat makipag tulungan ito sa International Criminal Court at bumalik bilang miyembro nito

Samanatala, itinuturing ng Bayan Europe ang ginawang Zero Remittance week ng mga taga suportang OFW ni Dating Pangulong Duterte bilang paglapastangan sa kolektibong aksyon ng mga Migrante.

Isa itong pagbabaluktot sa layunin ng Zero Remittance Campaign na sana ay mag sulong ng positibong pagbabagopara sa kaginhawaan para sa mga Pilipino.

Panawagan nila ngayon sa kapwa mga OFW na bago gawin ito ay alalahanin ang kahirapang na nararanasan ngayon sa bansa dahil sa pamamalakad ng Marcos Administration.

Sana aniya ay huwag isaalang alang ang kanilang Pamilyang nasa Pilipinas para lamang sa isang lider na umabuso sa kapangyarihan at nag papatay sa libo-libong indibiduwal.