--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagsimula na ngayong araw, Enero 25 ang Early Registration sa mga pampublikong paaralan na magtatagal hanggang Pebrero 15, 2025.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Timoteo Bahiwal, Planning Officer 3 ng Department of Education Isabela, sinabi niya na layunin ng Early registration na malaman ang bilang ng mga mag-aaral na papasok sa susunod na Academic Year.

Malaking tulong aniya ito upang makapag-plano ng mga maaga ang mga paaralan at malaman kung sapat ba ang kanilang resources para tugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral sa susunod na pasukan.

Nilinaw naman niya na ang Early Registration ay hindi Enrollment at tanging ang mga papasok na kindergarten, Grade 1, Grade 7 at Grade 11 sa susunod na School Year ang kinakailangang magpatala.

--Ads--

Kinakailangan aniyang makapagpatala ang mga mag-aaral para maisama sila sa budgeting ng resources na kinakailangan.

Nagsagawa naman ng Advocacy programs Inititaive Announcement ang mga Paaralan sa kanilang mga social media at nag-iikot din sila Barangay upang ipaalam sa mga magulang ang pagsisimula ng Early Registration.

Maliban sa face-to-face registration ay maaari ring mag-fill out ng forms online ang mga mag-aral para maitala ang kanilang anak.

Nagsasagwa rin ang DepEd ng “Child Find” Activities kung saan nagtutungo sila sa mga bahay ng mga magulang upang makita kung pwede nang pumasok sa kanilang mga anak sa paarala.

Naghahanap din sila ng mga bata na mayroong special needs upang mabigyan sila ng pagkakataon na makapag-aral.

Sa pagsasagawa ng DepEd ng Early Registration sa mga nakalipas na taon ay mas tumaas ang bilang ng mga nagpapatala kaya naman malaking tulong ito sa pagtupad ng ahensiya sa adhikain nito na mabigyan ng access sa edukasyon ang bawat bata.