--Ads--

CAUAYAN CITY – Naging matagumpay ang isinagawang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ng Bureau of Fire Protection o BFP Cauayan City sa isang malaking mall sa lungsod.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Fire Officer 1 Dennis John Deundo ng BFP Cauayan City sinabi niya na umabot sa mahigit tatlong daang indibidwal ang nakilahok sa isinagawang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill kahapon.

Kinabibilangan ito ng mga empleyado, tenants at mga mallgoers sa isinagawa sa loob ng isang malaking mall.

Aniya kabilang sa mga isinagawa ang evacuation at rescue drill simulation upang mapalakas ang kahandaan at koordinasyon ng Emergency Response Team sa oras na magkaroon ng lindol.

--Ads--

Bago ang drill ay nagkaroon muna ng demonstrasyon kung saan ipinaliwanag ang mga dapat gawin ng mga mamamayan kapag nagkaroon ng lindol.

Maliban sa nasabing aktibidad ay nagkaroon din ng annual refresher course sa mga partiipants kung saan ipinaliwanag ang mga hakbang na gagawin sa oras na naranasan ang lindol at sunog maging ang pag-alam sa evacuation route at first aid treatment.