--Ads--

CAUAYAN CITY – Hinikayat ng Employees Compensation Commission o ECC Region 2 ang mga empleyadong tinatamaan ng Covid 19 na mag avail ng Employers Compensation Program Covid 19 benefits.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Information Officer Remy Andrada ng ECC Region 2 sinabi niya na sa kasalukuyan ay kakaunti pa lamang nagtutungo sa kanilang tanggapan upang magfile ng claims sa nasabing benepisyo.

Aniya hindi diretsong fina-file ang nasabing claims sa kanilang tanggapan dahil makukuha lamang ito kapag ang manggagawa na nagkaroon ng Covid 19 ay aprubado na ng SSS ang kanyang issue sickness para sa pribadong sektor at sa GSIS naman sa government sector.

Kailangan munang mag apply ng claims ang manggagawa sa SSS bago makapagfile sa ECC.

--Ads--

Maaaring makapagclaim ng covid 19 benefits ng ECC tulad ng cash assistance at sickness benefit ang mga healthcare workers, essential workers, uniformed personnel at mga manggagawang kailangang humarap sa kanilang kliyente o sa publiko.

Nakadipende naman sa monthly salary credit at bilang ng quarantine days ng nagpositibong empleyado ang kanyang makukuhang ECC Sickness benefits sa SSS at kukuha lamang sila ng voucher na ipapakita sa tanggapan ng ECC Region 2.

Kapag namatay naman ang isang empleyado dahil sa Covid 19 ay makakatanggap ito ng labing limang libong piso.

Ang bahagi ng pahayag ni Information Officer Remy Andrada ng ECC Region 2.