--Ads--

Idineklara ang State of Public Health Emergency sa bayan ng Echague, Isabela dahil sa patuloy na paglala ng problema sa pagdami ng mga langaw at masangsang na amoy na nagmumula sa mga poultry farm.

Ito ay dahil sa sunod-sunod na reklamo ng mga residente sa matinding fly infestation na nagdudulot ng seryosong banta sa kalusugan ng publiko at sa kapaligiran.

Batay sa Executive Order na inilabas ng lokal na pamahalaan, pitong poultry farm ang pinatigil muna ang operasyon matapos mapatunayang lumabag sa mga kaugnay na batas at lokal na ordinansa sa kalusugan at pangangalaga ng kalikasan.

Kabilang sa mga pasilidad na ito ang mga poultry farm na matatagpuan sa Brgy. Arabiat, Sta. Maria, San Manuel, Garit Norte, at San Antonio Minit.

--Ads--

Kasama rin sa ipinatupad na kautusan ang pansamantalang pagsuspinde ng pag-renew ng business permits ng mga nasabing poultry farm ngayong taon habang isinasagawa ang masusing compliance audit sa buong munisipalidad at ang Oplan Check-Up inspection.