Mariing tinututukan ng Echague Police Station ang pagpapababa ng kaso ng vehicular accident sa bayan ng Echague, Isabela.
Ito ay matapos makapagtala ang naturang himpilan ng mataas na bilang ng aksidente sa kalsada noong 2025.
Sa panayam ng bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Abner Accad, Deputy Chief of Police ng Echague Police Station, sinabi niya na noong 2025 ay nakapagtala ang kanilang hanay ng 98 na kaso ng vehicular accident, mas mataas ito kung ikukumpara sa kanilang tala noong 2024 na 19 lamang.
Batay sa kanilang obserbasyon, ang pagtaas ng kaso ay bunsod ng kakulangan ng road warning signs, kawalan ng reflective road line sa ilang bahagi ng national highway, at kakulangan ng streetlights.
Gayunpaman, agad namang natugunan ang mga kakulangan na ito sa kanila na ring pakikipag-ugnayan sa Local Government Unit ng Echague.
Samantala, maigting ding tinututukan ng kanilang hanay ang kalakalan ng ilegal na droga sa bayan ng Echague.
Sa kasalukuyan kasi ay mayroon na lamang dalawang parameters na kanilangang gawin upang maideklarang drug-cleared ang naturang bayan, ito ay ang ‘Balay Silangan,’ at random visit ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ang Balay Silangan ay ang magsisilbing tirahan ng mga drug persnalities para sa rehabilitation. Aniya, rehalibilitasyon na lamang ang kanilang gagawin matapos itong masira dahil sa nagdaang mga bagyo.
Ayon kay PCapt. Abner Accad, patuloy ang ginagawa nilang pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang nasasakupan kung saan mayroon silang tinatawag na “Project Matyag,” sa pamamatigan nito ay nakikipagtulungan ang kanilang hanay sa mga members of TODA pagdating sa pagmonitor ng insidente sa kanilang nasasakupan.











