--Ads--

Nakukulangan ang Economc Think Tank na Ibon Foundation sa inilaang pondo ng Pamahalaan para tulungan ang mga nangangailangang Pilipino.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Executive Director Sony Africa ng IBON foundation, sinabi niya na hindi dapat magpasilaw sa inilalabas na malaking pondo ng pamahalaan bagkus ay magtaka aniya kung bakit patuloy na nilalaanan ng bilyong pisong pondo ang mga infrastructure projects sa kabila ng pagtapyas ng pondo sa sektor ng Edukasyon,aspeto ng kalusugan , 4P’s, Tupad , social pension at pag-alis sa AKAP Program.

Aniya hindi kalakihan ang budget na idinagdag sa Philhealth at kung titignan ng grupo kulang ito para ma-cover ang pangakong libreng medikasyon ng Pangulo sa kabila ng lumalalang kagutuman.

Para sa kaniya kailangan paring mapagtuunan ang paglikha ng trabaho sa halip na magbawas pa ng pondo para sa ayuda.

--Ads--

Kung matatandaan aniya nitong nakaraang taon 10 billion pesos lamang ang pondo para sa programang pang-agrikultura kaya ikinatuwa nila ang pagtriple sa pondo ng RCEP na umakyat sa 30 billion pesos gayunman may problema parin sa pangkalahatan dahil ang 250 billion pesos pang agrikultura ay hindi pa-aabot ng 4% ng 6.8 trillion budget na kulang para sa lahat ng post harvest at farm inputs.

Samantala, umabot lamang sa 1/4 o 0.24% ang inilaan na budget para sa trade and industry na inaasahang walang maidudulot na supporta para sa mga MSME’s

Nagkaroon naman ang 20% increase sa pondo ng DepEd kung saan pinakamalaki ay inilaan sa Personnel Services o may pondo 705 million pesos, bagamat malaking dagdag sa sahod ay hindi parin magkakaroon ng dagdag na bilang ng mga kaguruan gayundin na walang dagdag na classroom at school buildings.

Mukhang hindi rin aniya mababawasan ang utang ng Pilipinas dahil sa katapusan ang 2026 ay aabot na sa 19 trillion pesos ang kabuuang utang ng bansa.

Kung titignan aniya ang takbo ng pinansiyal ay malaki sa bahagi ng utang ang ibinabalik sa bayad utang at dalawang trilyon ang ibabayad sa utang ay mas lalo lamang lolobo ang utang ng Pilipinas.

Hindi katanggap tanggap aniya na sa halip na dagdag ang buwis sa mga bilyonaryo at mayayamang negisyante sa bansa ay patuloy itong binabawasan ang pamahalaan na puno’t dulo sa kakulangan ng kita at paglobo ng utang.

Samantala, welcome para sa grupo ang planong isapubliko ang bicameral conference gayunman hinihiling ng IBON foundation na lahat ng mga dokumento kaugnay sa budget ay ilatag sa publiko para sa tunay na adhikain ng transparency.