--Ads--

Mas paiigtingin ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang Alternative Learning System (ALS) Program sa loob ng pasilidad, na nakatuon sa pagtuturo ng iba’t-ibang livelihood programs para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL).

‎Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay JSInsp. Isagani Gayap, Assistant Jail Warden, layunin ng programa na mabigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang mga PDL upang maging handa sila sa paghahanapbuhay at muling pagharap sa komunidad kapag sila ay nakalaya.

‎Kabilang sa mga itinuturo sa ALS Program ang mga basic skills sa paghabi at pananahi, paggawa ng handicrafts, pagluluto at baking, at urban gardening.

‎Aniya, ang mga ganitong kasanayan ay maaaring pagkakakitaan ng mga PDL sa labas at loob ng pasilidad at makatulong sa kanilang reintegration sa lipunan.

--Ads--

‎Binigyang-diin ni Gayap na mahalagang bahagi ng rehabilitasyon ng mga PDL ang edukasyon at livelihood training upang mahubog ang kanilang disiplina, kumpiyansa sa sarili, at kakayahang maging produktibong mamamayan.

‎Samantala, naitala rin ng BJMP ang bahagyang pagbaba ng bilang ng mga PDL sa pasilidad noong taong 2025 kumpara noong 2024, ayon kay Gayap.

‎Aniya, ang naturang pagbaba ay dulot ng pagpapalaya sa mga kwalipikadong PDL at mas mabilis na pag-usad ng kanilang mga kaso sa korte.