CAUAYAN CITY- Naglabas na ng pahayag ang pamunuan ng EGB Construction corp. Matapos mapabilang sa Top 15 contractor nasiyang may proyekto para sa mga flood control projects na pinangalanan ni Pangulong Ferdinand Marcos.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Erni G Baggao,ang owner ng EGB Construction Corporation na mula dito sa Lalawigan ng Isabela, sinabi niya na bukas ang kaniyang pananaw sa direktiba ng pangulo na maudit ang lahat ng kumpanya na may mga flood control project
Aniya, maayos ang kanilang trabaho at bukas sila kung sakali man na iaudit ang kanilang kumpanya.
Sinabi rin niya na ang pagkakasama nilang sa top 15 contractor ng mga flood control project ay bunga ng kanilang maayos na pagtatrabaho.
Aniya, hindi ito negatibo para sa kanilang hanay dahil maayos ang kanilang mga ginagawa.
Giit pa nito, hindi siya irerekomenda ng pangulo na board member ng Philippine Contractors Accreditation Board kung may katiwalian silang ginagawa.
Depensa pa nito ISO Compliant ang kaniyang kumpanya sa specification na ipinatutupad ng DPWH.
Sinagot din ng Engr Baggao ang reklamo na inihain sa kaniya noong 2019 may kaugnayan sa isang pryekto niya sa Ilocos Norte.
Aniya, hindi natuloy ang nasbaing reklamo at mismong ang DPWH mismo ang sumuri nito.
Base sa DPWH, walang nakitang depekto sa flood control project na kanilang ginawa noong 2019.











