--Ads--

Nagpulong sa Cauayan City Muslim Center ang Mga Muslim sa Lungsod ng Cauayan upang ipagdiwang ang Eid’l Fitr na hudyat ng pagtatapos ng pag aayuno o ramadan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Kairo Ding Gemima, IMAM ng mga Muslim sa Cauayan City, sinabi niya na napakahalagang pagkakataon para sa kanila ang ganitong pagdiriwang dahil ito ang panahon para sila ay magsaya at magdiwang pagkatapos ng pag aayuno.

Aniya, kabilang sa mga aktibidad na kanilang isinagawa ay ang pagkain at pag-inom at saka ang sabayang pananalangin

Sinabi rin nito na maari ring makisalo sa pagkain at pag inom kahit hindi Muslim ngunit hindi pinapayagan ang pagsama sa panalangin

--Ads--

Binigyang diin din niya na isa sa mga gustong iparating ng Eid’l Fitr ay ang pagkakaroon ng kapayapaan para sa lahat.