CAUAYAN CITY– Isinagawa ngayong araw ng Provincial Environment and Natural Resources Office o PENRO Isabela ang pagtatanim ng punlang kawayan sa halos sampong ektarya ng lupa kasabay ng paggunita sa World Bamboo Day.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PENRO Marlon Agnar, sinabi niya na isinagawa ang pagtatanim ng mga kawayan sa barangay Batong Labang, Ilagan City.
Kasama nila sa pagtatanim ang mga people’s organization, CENRO Naguilian at ibang kawani ng PENRO Isabela gayundin angmga opisyal ng naturang barangay.
Aniya, nasa dalawang libo ang kanilang itinanim dahil may isang libo na punla at nasa isang libo rin na cuttings.
Dagdag niya na sa bawat ektarya ng lupa ay 204 ang maitatanim.
Sinabi ni PENRO Agnar na mahalaga ang pagtatanim ng kawayan dahil marami itong puwedeng panggamitan.











