CAUAYAN CITY- Malaking pinsala ang idinulot ng mga pesteng Rice Black Bug sa mga pananim na palay ng mga magsasaka .
Sa panayam ng Bombo Radyo Cuayan, inihayag ni Engineer Dominador Fernandez Jr., City Agriculturist ng Santiago City na nasa tatlumpu’t ektaryang pananim na palay ang naapektuhan ng Rice Black Bug o “itim na atangya” na hinihinalang galing sa mga kalapit na bayan.
Nagsimula ang pagpinsala ng Rice Black Bug sa isang ektaryang lupa ng isang magsasaka hanggang sa kumalat sa mga kalapit na bukirin.
Anya ang ginagawang hakbang ngayon ng City Agriculture Office ay ang pag-spray ng pestisidyo ng sabayan ng mga magsasaka sa kanilang mga pananim na palay.
Ang magiging epekto anya ng pag-atake ng Rice Black Bug ay mababawasan ang ani ng mga magsasaka dahil sa kinakain ng mga nasabing peste ang mga palay.
Nanawagan din si Engineer Fernandez sa mga magsasaka na iulat sa kanilang tanggapan ang mga napapansin ng mga kakaibang insekto na maaaring sumira sa kanilang mga pananim upang kaagad na maagapan.




