--Ads--

SA ANGADANAN, ISABELA- Umaabot sa 50 ektaryang pananim na palay sa Angadanan, Isabela ang pinangangambahang tuluyan nang matuyot dahil sa kawalan na ulan.

Ito ay makaraang 10 araw nang wala nang dumadaloy na tubig sa irrigation canal sa na konektado sa irrigation main canal sa Echague, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Rolly Cabasag, residente ng Calaccab, Angadanan, Isabela at isa sa mga apektado ang pananim na palay na sa kanilang bayan ay umaabot na sa limampong ektarya ang apektadong sakahan ng palay.

Anya mahigit sa 150 magsasaka sa Angadanan ang apektado ang mga pananim na palay kung saan aabot sa halos limampong magsasaka ang apektado sa barangay Calaccab,Angadanan.

--Ads--

Samantala, gumagawa na ng hakbang ang National Irrigation Adminsitration sa Isabela sa pamamagitan ng pag-operate ng kanilang pumping stations na alternatibong mapagkukunan ng tubig para sa mga apektadong sakahan.