--Ads--

CAUAYAN CITY- Isa ang region 2 na pangunahing maapektuhan ng weak El Niño sa buwan ng Marso at Abril.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Chief Meteorologist Ramil Tuppil ng PAGASA DOST Echague, Isabela na magkakaroon ng mas mababang normal na mga pag-ulan sa Northern Luzon.

Pangunahing makakaranas ng dry condition o weak El Niño ang mga lalawigan sa rehiyon dos pangunahin na sa Batanes, Cagayan, Isabela, Quirino at Nueve Vizcaya.

Magtatagal anya ng hanggang buwan ng Abril ang mararanasang weak El Niño sa rehiyon dos subalit pagdating sa buwan ng Mayo ay makakaranas na ng mga pag-ulan ang rehiyon.

--Ads--

Tiyak anyang maapektuhan ang mga pananim ng mga magsasaka pagsapit ng tagtuyot.

Balak ngayon ng PAGASA DOST Echague na magsagawa ng El Niño forum sa Isabela sa buwan ng Marso upang maipaalam sa Provincial Government ang mga dapat paghahanda para matulungan ang mga maapektuhan ng dry spell.