--Ads--

CAUAYAN CITY – Nanawagan ang Election Watchdog na Kontra Daya sa Lupon ng Halalan na tawagin ang pansin ng ilang mga political aspirants na tila nagpaparamdam na kahit hindi pa pormal na nag uumpisa ang pangangampaniya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Professor Danilo Arao ang convenor ng Election Watchdog na Kontra Daya sinabi niya ang opisyal na panahon ng pangangampaniya ay magaganap  sa ika walo ng pebrero sa national level habang sa buwan naman ng Marso para sa Lokal level.

Paliwanag ni Professor Arao na ang maagang pagpaparamdam na ginagawa ngayon ng mga kandidato ay maitututring na maagang pangangampaniya at hindi naangkop na hakbang sa kasalukuyang panahon.

Aniya, mahalagang maging sensitibo ang ilang mga kandidato sa mga pinagdadanan ng taumbayan dahil sa pandemiya.

--Ads--

Upang matiyak ang pormal at malinis na halalan ay dapat mapagtuunan ng pansin ang anumang hakbang sa paglabag sa batas o di kaya naman hakbang na gawing katatawanan ang halalan sa bansa.

Samantala naniniwala si Professor Arao na ang vote buying ay nanatiling iligal sa panahon ng halalan subalit hindi maitatanging nariyan parin ang dipensa ng ilang mga abogadong nagsasabing hindi maituturing na vote buying ang pamamahagi ng tulong ng isang kandidato hanggat hindi na panahon ng pangangampaniya.

Giit niya na maliban sa paninindigan ng kontra daya sa pagtanggi ng taumabyang tanggapin ang anumang ibibigay ng kandidato kapalit ng kanilang boto ay nais rin nilang mapagtutunan ng pansin ang mga politikong maaaring nagsasamantala sa mahihirap.

Aniya hindi maaaring sisishin at hindi maaaring husgahan ang taong patuloy na tumatanggap ng ibinibigay na pera dahil na nararasana o pinagdadaanang kahirapan sa halip ang dapat na husgahan at sisishin ay ang mga kandidatong ipinipilit ang pagbibigay ng pera sa hangaring pagsamanatalahan ang nararanasang kahirapan ng nakararami para sa pansaling political agenda.

Ayon pa sa kaniya hindi maalis sa taumbayang isipin na  pambili ng boto ang ipinapaabot na tulong ng ilang mga pulitiko dahil na rin sa nalalapit na ang halalan dahil bagamat maganda ang hangarin ay mas nanaig ang tinatawag na public perception kung saan nahahaluhan ng pulitika ang mabuting hangarin ng ilang pulitiko.

Naniniwala naman siya na mas malaki ang tiyansang maging korap ang isang pulitikong bumibili ng boto o nagpapalabas ng malaking halaga ng pondo para sa pangangampaniya dahil mas mataas ang posibilidad nilang bawiin ang nagastos na halaga sa pamamagitan ng pagkuha sa kaban ng bayan.

Ang bahagi ng pahayag ni Professor Danilo Arao.