Tutol ang election Watchdog na Kontra Daya sa pahayag ng Commission on Election (COMELEC) na boluntaryong pagpaparehistro para sa mga survey firm na magsasagawa ng surveys ngayong halalan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Kontra daya convenor Prof. Danilo Arao, sinabi niya na tutol ang kanilang grupo sa hakbang ng COMELEC na pagrerehistro ng mga survey firms na magsasagawa ng survey ngayong halalan.
Aniya para sa kanila na ang hakbang na ito ng COMELEC ay pagdadagdag lamang ng bureaucratic layer sa mga survey firms, maging campus publicationsna nais na magsagawa ng survey o moc polls.
Matatandaan na kahapon inilabas ng COMELEC ang kanilang Task Force on Regulation and Enforcement of Survey Practices for Election Credibility and Transparency o TASK FORCE RESPECT.
Kasabay ng paglulunsad ng task force, pumirma rin ng pledge of commitment ang mga dumalong founder at kinatawan ng malalaking survey firms sa bansa.
Kabilang dito ang OCTA Research, Social Weather Stations, Pulse Asia, WRNumero, PUBLICUS at IBON Foundation.
Sinabi ni Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia na kailangan ito lalo na’t posibleng maka-impluwensiya sa mga botante ang resulta ng mga survey pagdating sa halalan.
Marami rin aniyang naglipana na mga survey na layong lituhin ang mga botante o kaya naman ay pagkakitaan ito na unfair sa mga lehitimong survey firm.
Ayon sa election watchdog na dapat linawin ng COMELEC kung ano ang punto ng isasagawang registration ng mga survey firm maliban sa kagustuhan ng komisyon na mapigilan ang paglaganap ng misinformation.
Aminado naman ang grupo na naglilipana talaga ang flight by night survey firm subalit dito papasok ang tungkulin ng media na salain ang mga impormasyon bago i-publish at tiyaking ang survey ay mula sa mga pinagkakatiwalaang survey firms.