--Ads--

Muling nagpapapaalala ang Isabela Electric Cooperative o ISELCO 1 na posible pa ring tumaas ang bayarin sa kuryente ngayong buwan ng Hunyo kahit nagpatupad ng pagbaba ng power rates ang kooperatiba.

Ang posibleng pagtaas pa rin ng bill ng kuryente ay dahil sa matinding konsumo nito lalo na tuwing mainit ang panahon.

Batay sa abiso ng ISELCO, ang residential ay mayroon nang Php 8.4917/kWh, ang Low voltage ay Php 7.6164/kWh, at ang high voltage ay Php 6.2269/kWh na bumaba dahil sa pagbaba ng total generation mix partikular sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM)

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Supervisor Laarni San Antonio, ang Branch Office Supervisor ng Iselco 1-Cauayan Branch, sinabi niya na bagaman bumaba ang singil per kWh ay hindi nawawala ang mga reklamo ng mga konsyumers kada buwan.

--Ads--

Tumaas man kasi o bumaba aniya ang power rates ay hindi bumababa ang bayarin dahil pataas ng pataas naman ang kanilang pag konsumo lalo na sa mga appliances tulad na lamang ng refrigerator, electricfan o aircon.

Kaugnay nito ay pinapayuhan ang mga konsyumers na magtipid ng kurtente kung ayaw nilang tumaas ang kanilang bayarin.

Patuloy naman aniya ang kanilang information drive upang maabisuhan ang mga residente sa posibilidad ng pagtaas ng bayarin subalit sadyang malalakas aniya kumonsumo ng kuryente  ang mga konsyumers.