--Ads--

CAUAYAN CITY- Ibinida ng Cagayan State University ang kanilang proyekto na electric vehicles sa kasalukuyang ginaganap na International Smart and Sustainable Cities and Communities Exposition and Networking Engagement (iSCENE 2025) sa Cauayan City.

Personal na dinala sa lungsod ng Cauayan ang mga sasakyan na natransform bilang electric vehicle.

Kabilang sa mga sasakyan na ginawang electric ay ang tricycle, trike, bike, etranvia at bus na pwedeng gamitin sa pamamasada.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Michael Orpilla, Research Coordinator ng E-Mobility, sinabi niya na malaki ang kaibahan nito sa mga ordinaryong sasakyan na nakikita sa kalsada at nabibili sa merkado.

--Ads--

Ang mga sasakyan ay trinansform lamang kung saan tinanggal ang mga engines nito at nilagyan lamang ng electronics sa loob upang gumana.

Mainam aniya na magawa ang mga e-vehicles dahil kung gagamitin ito sa buong bansa ay tiyak na walang air polution dahil wala nang mausok na tambutyo o muffler.

Ang feature ng eTranvia na isa sa mga magandang proyekto ng CSU na gagamiting sasakyan sa turismo ay 18 seaters, mayroong AC electric motor, may dedicated charging station, may battery management system, at vehicle control unit.

Dahil electric vehicle ang mga ito, inaasahang makatitipid ito para sa mga namamasada dahil hindi na nila kailangang gumastos ng krudo o gasolina dahil rechargable ang mga sasakyan. Tulad na lamang aniya sa electric tricycle na mas matipid ng tatlong beses kung ikukumpara sa ordinaryong tricycle.

Ito ang unang beses na itatampok sa buong Pilipinas ang imbentong ito ng mga estudyante at guro mula sa Cagayan State University dahil centro ng ng e-mobility center ang naturang lugar.

Samantala, iginiit ng DOST na napakahalagang bagay ng pagtitipon tipon ng mga LGU at State University Leaders para pag-usapan ang innovation sa bansa.

Sa pagpapahayag naman ni Usec. Sancho Mabborang ng DOST, sinabi niya na ang nangyaring iSCENE noong nakaraang taon ay patunay na nakapagpabago at nakapagpabuti sa bansa kaya hangarin ng DOST na subaybayan ang mga researcher para makapag provide ng mas marami pang makabagong teknolohiya.

Sa tulong ng iSCENE ay hindi lamang aniya nakamit ang ekspektasyon sa pagpapabuti ng bansa kundi nahigitan pa ito.