Nagsalita na ang aktres na si Elise Joson hinggil sa hiwalayan nila ng dating partner na si McCoy De Leon.
Noong Hulyo 2025, naglabas ng joint statement ang dalawa sa kanilang social media accounts upang ipaalam ang kanilang desisyong maghiwalay. Hindi nila noon ibinunyag ang dahilan, ngunit inamin na sinubukan nilang ayusin ang kanilang relasyon bago tuluyang magpasya.
Mayroon silang apat na taong gulang na anak na babae na si Felize.
Sa kanyang pinakabagong pahayag, sinabi ni Elisse na hindi naging maayos ang kanilang paghihiwalay. Gayunman, nilinaw niyang wala siyang balak makipagbalikan kay McCoy at mas nais niyang pagtuunan ng pansin ang maayos na co-parenting para sa kanilang anak.
Inamin din ng aktres na may mga hindi sila napagkasunduan na siyang naging ugat ng pagtatapos ng kanilang relasyon. Sa kabila nito, nagpasya silang isantabi ang kanilang hindi pagkakaunawaan para sa kapakanan ni Felize, na naapektuhan umano ng kanilang hiwalayan.
Ibinahagi rin ni Elisse na dahil lumaki siya sa broken family, noon ay pangarap niyang magkaroon ng buo at masayang pamilya. Subalit matapos ang kanilang paghihiwalay, tinanggap na umano niya na iba ang magiging takbo ng kanyang kuwento.





