--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakaranas ng emergency power shutdown ang bayan ng Cordon at Sitio Isla Verde ng Brgy. Gen. Aguinaldo, Ramon matapos mabangga ng Army Trailer Truck ang poste ng kuryente sa Barangay Malapat, Cordon, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PSSgt. Sherwin Rivera ng Cordon Police Station sinabi niya na pasado ala-una ng hapon naganap ang insidente kung saan isang concerned citizen ng nag ulat sa naganap na aksidente sa bahagi ng Barangay Malapat.

Aniya sa kanilang pagtugon ay nakita nila ang trailer truck ng Philippine Army na may kargang dalawang tangke na bumangga sa poste ng ISELCO 1.

Lumalabas na miscalculation ang naging sanhi ng aksidente lalo at under construction ang bahagi ng kalsada sa barangay Malapat, Cordon, Isabela.

--Ads--

Bahagya lamang naman aniya na nakaapekto ito sa daloy ng trapiko dahil agad ding naalis sa lugar ang army truck.

Ayon naman sa driver ng truck na hindi niya inakalang sasabit ang truck sa poste ng kuryente ghayung hindi naman ito ang unang pagkakataong dumaan sila sa naturang lugar.

Tiniyak naman niya na may mga personnel sila na nakatalaga sa naturang lugar na siyang naatasang mag mando sa trapiko.