--Ads--

CAUAYAN CITY – Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 ( anti-llegal gambling law ) ang tatlong katao kabilang ang isang kawani ng pamahalaan.

Ang mga pinaghihinalaan ay sina Roberto Claraval, 51 anyos, isang kawani ng pamahalaan; Domingo Vinasuy, 49 anyos at Donato Lozada, 55 anyos na pawang residente ng Bagumbayan, Ilagan City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nagsagawa ng operasyon ang mga kasapi ng Ilagan City Police Station at naaktuhan ang mga suspek na nagsusugal ng tong-it.

Nasamsam mula sa mga suspek ang isang set ng baraha at perang taya sa pagsusugal.

--Ads--