CAUAYAN CITY- Hindi maitututuring na “armed attack” ang nangyaring insidente sa pagitan ng puwersa ng Philippine Coast Guard (PCG) at China Coast Guard (CCG) sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS) kahit may mga nasaktang tropa ng gobyerno ayon sa Malacañang.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, chairman ng National Maritime Council matapos ang ginawang pagpupulong sa Malakanyang kahapon ay sinabi niya na ang engkwentro ay marahil isa lamang misunderstanding.
Sagot ni Bersamin sa tanong kung maituturing ng pamahalaan na armed attack ang panibagong insidente sa Ayungin Shoal sapagkat aniya na hindi pa handa ang Pilipinas na ituring ito bilang armadong pag-atake dahil ang nakita sa video ay mga itak at palakol ang hawak ng mga CCG personnel.
Magugunita na isa sa mga sundalong pinoy ang naputulan ng daliri nang umatake ang Chinese Coast Guard sa barko ng AFP.