--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpapatuloy ang engkuwentro sa pagitan ng mga kasapi ng  95th  Infantry Batallion at New People’s Armo (NPA) sa San Miguel, Echague, Isabela.

Sa ngayon ay limitado lamang ang ibinibigay na impormasyon ng mga otoridad subalit ayon sa mapagkakatiwalaang source nagsasagawa umano ng medical mission ang mga rebelde sa nasabing lugar.

Nagtungo din ang ilang kasapi ng 95th IB sa barangay San Miguel upang patotohanan ang impormasyon na pagsasagawa ng medical mission ng mga rebelde subalit nakatunog ang mga rebelde kaya nagkaroon ng engkuwentro.

Umaabot anya sa limampong kasapi ng NPA ang nakikipagsagupa sa mga tropa ng 95th IB.

--Ads--

Samantala, kinumpirma naman ni Capt. Jefferson Somera, pinuno ng Division Public Affairs Office ng 5th Infantry Division Phil. Army na nagpadala na sila ng Attacked helicopter at Huey helicopter sa lugar kung saan nagaganap ang engwentro.

Ito ay makaraang humingi ng air support ang mga napapalabang sundalo dahil sa mayroong mga sniper ang mga rebeldeng pangkat.