
CAUAYAN CITY – Nagsagawa ang Department of Trade and Industry (DTI) ng training at trade fair kahapon, Araw ng Paggawa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Shynne Cecille Arao, OIC ng DTI Santiago City na ang bahagi nila sa pagdiriwang ng Labor Day ay ang Programang Trabaho, Negosyo at abuhayan.
Ang aspetong trabaho ay nag-anyaya ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng mga kumpanya na nag-aalok ng mga trabaho na mayroon sa kanilang kumpanya.
Ang DTI ay ang negosyo at kabuhayan na nagbibigay ng livelihood opportunities at entrepreneurship development training.
Kabilang sa mga inihanay nilang programa ay ang one-on-one consultation, entrepreneurship development training at mini trade fair.
Ang entrepreneurship development training ay para sa mga walk-in client na posibleng hindi makuha sa mga job vacancies o job opportunities na alok ng mga kumpanya.
Layunin ng entrepreneurship training na ipabatid ang posibleng negosyo na puwede nilang simulan para kumita, pagbibigay ng impormasyon kaugnay ng kahalagahan ng negosyo at mga patok na negosyo ngayong may pandemya tulad ng online selling, logistics o delivery services at pagkain.
Ang one-on-one consultation naman ay kung ano ang kanilang katanungan tungkol sa pagnenegosyo.
Iniaalok nila ang business name registrations gayundin ang mga posibleng assistance o services na alok ng DTI.