Unti-unting nararamdaman ngayon ang epekto ng Bagyong Crsising habang papalapit ito sa Northern Cagayan kung saan inaasahan tiong mag lalandfall sa Babuyan Island.
Ang sentro ng Bagyong Crising ay tinatayang nasa layong 135 km Silangan ng Aparri, Cagayan (18.3°N, 122.9°E).Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 75 km/h malapit sa gitna at may pagbugso na 105 km/h. Kumikilos ito sa direksyong pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20 km/h.
Nasa ilalim parin ng Tropical cyclone Wind Signal Number 2 ang Batanes, Cagayan (kasama ang Babuyan Islands), Isabela, Apayao, Kalinga Hilaga at gitnang bahagi ng Abra, Silangang bahagi ng Mountain Province, Silangang bahagi ng Ifugao, Ilocos Norte at Hilagang bahagi ng Ilocos Sur.
Signal number 1 sa Quirino, Nueva Vizcaya, Natitirang bahagi ng Mountain Province, Ifugao, Abra, Benguet, Natitirang bahagi ng Ilocos Sur, La Union, Hilagang bahagi ng Pangasinan, Hilagang bahagi ng Aurora, at Hilagang-silangang bahagi ng Nueva Ecija.
Asahan ang malalakas na pag-ulan dulot ng Bagyong Crising at Habagat. Posibleng umabot sa 1.0–2.0 metro ang taas ng alon sa mabababang baybayin ng Batanes, Cagayan, Ilocos Norte, at Ilocos Sur.
Ang Bagyong Crising ay inaasahang magla-landfall ngayong gabi sa hilagang-silangang bahagi ng Cagayan o sa Babuyan Islands. Inaasahang lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility bukas ng hapon (19 Hulyo).
Maaaring lumakas pa ito at umabot sa Severe Tropical Storm category sa Sabado ng gabi o Linggo ng madaling araw.








