--Ads--

Dinipensahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang mga nararanasang power interruptions o brownouts sa ilang lugar sa bansa.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni ERC Chairperson Atty. Francis Saturnino Juan na iba’t ibang salik ang dahilan ng mga aberya, kabilang ang kakulangan sa suplay at biglaang pagkasira ng mga generation facility.

Ayon kay Juan, kasalukuyang nire-review ng ERC ang mga umiiral na resolusyon ukol sa reliability standards at outage allowances para masiguro ang maayos na maintenance ng mga planta at mabawasan ang mga hindi inaasahang pagkukulang sa power supply.

Binigyang-diin din ng opisyal ang mahalagang papel ng ERC sa pagbabantay sa power supply agreements ng distribution utilities upang matiyak na patas at naaayon ang singil sa kuryente.

--Ads--

Tinitiyak aniya ng ahensya na ang lahat ng kontrata ay dumadaan sa competitive selection process.