--Ads--

CAUAYAN CITY – Nawalan ng preno ang eroplano na nag-overshoot sa runway ng airport sa coastal town ng Palanan, Isabela at sumadsad sa damuhan sa lampas ng runway.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PCapt. Rommel Galamgam, hepe ng Palanan Airport Police Station na ligtas ang 9 na sakay ng Piper PA-31-350 Navajo Chieftain aircraft na may call sign RP-C 8262 na pag-aari ng Cyclone Airways na nakabase sa San Fermin, Cauayan City.

Ang pinakabatang sakay ng eroplano ay 2 anyos na batang lalaki.

Ayon kay PCapt Galamgam, nagpapasalamat sila na walang nasugatan sa mga pasahero ng eroplano kabilang ang piloto na si Capt Ariel Cuardo.

--Ads--

Ang eroplano na galing sa Cauayan City Domestic Airport ay nakalapag na sa runway ng Palanan, Isabela ngunit hindi nag-overshoot matapos hindi gumana ang brake.

Ayon kay PCapt Galamgam, nagtamo lamang ang eroplano ng bahagyang pinsala sa propeller.

Bumalik na aniya sa normal ang operasyon ng Palanan Airport kaninang alas onse ng umaga matapos mangyari ang pag-overshoot dakong 10:13am .